Just take a leap..

And in the end, the love you take is equal to the love you make..

Naisip ko kanina na maghanap ng old photo ko sa archive ng tumblr account ko, pero iba ang mga nahanap ko.. Old memories ko with my past relationships.. 

Kung tatanungin if willing akong makipagfriends sa mga dati ko ng karelasyon, well, ok lang. Pero gusto ko pa rin silang saktan, kahit isang suntok lang, siguro kase dahil ng pride ko, na minsan kong kinalimutan para sa kanila. 

Naranasan kong iwan basta na lang, without any closure, or kahit “bye” wala. Ilang araw ko ding pinagmukmukan ang maaari nyang rason kung bakit nya ginawa yun.. 

Naranasan kong i-backstab ng itinuring kong kaibigan, para lang sa date kong karelasyon. Mga ilang minuto ko ding pinag-isipan kung bakit at napagtanto kong malandi sya, malandi sila.

Naranasan ko din na umasa sa isang tao na sana totoo yung mga sinasabi nya, but it turns out, noong kame na, saka ko nalaman na ako yung “other girl”. Mga ilang oras ko ding inisip, “bakit”, and pumatak agad ako sa “move on” stage. 

Pero nagpapasalamat pa rin ako at nangyari yung mga bagay na yun. Nagpapasalamat ako at narealize ko na kung sa una pa lamang, binabalewala ka na, eh itigil mo na yung kagagahan mo. Respetuhin mo naman ang sarili mo. Narealize ko din na, hindi mo pwedeng ibigay sa ibang tao ang buong tiwala mo, mas maganda kung kahit konti, may doubt ka. Oo, masakit ang katotohanan, pero mas masakit kung mabubuhay ka sa kalokohan. 

And despite of those heartaches na pinagdaanan ko, ewan ko ba kung bakit, hindi matuto ‘tong puso at isip ko. Gusto pa ring magmahal kahit nasasaktan. Dahil siguro yung pagmamahal at sakit, magkakambal na yan. Kelangan mo lang nung tao na, kahit masaktan ka, ok lang, mahal mo naman eh. :)


Posted 10 months agoreblog

Makapagpagradpic na kaya, habang mataba pa, pimple free ang mukha at walang masyadong kasabay. (pero sa 2014/2015 pa ako makakagraduate) -_-


Posted 10 months agoreblog

Wala ng isang buwan at June na ulit. Ang bilis ng panahon. Parang kelan lang, mag-te-3rdyr pa lang ako at hirap sa pagpili ng imemajor..

Iniisip ko nuon, pag itinuloy ko ang pagkuha ng ChemEng, makakaya ko kaya? And then dumating ako sa point na “hindi ko na siguro itutuloy ang ChemEng, lilipat na lang ako sa ibang major..” Yung “ibang major”, hindi na naging importante saken, naging basehan ko ng pagkuha ng major eh yung mga makakasama ko, kung sa PetEng, may ilan din akong kabarkada duon, kaya lang, sabe ng kapatid ko PetEng ang kukunin nya, so cancel na yun. Kung EE naman, wala akong kabarkada. -_- Kapag naiisip ko yun, gusto kong murahin sila for not choosing Electrical Engineering, pero hindi, wala akong karapatan. Hanggang sa, “Mumay, magICE ka na lang, para sama-sama tayo”, sabi nina Haide at ShaSha..

Noong ininterview ako, grabe ang takot ko ke Mam Jo.. Poker face lang kase sya, tas sabe nya sa MexE nya ako ilalagay. Ayoko naman dun, kase wala akong hilig sa Mechatronics. And siguro habang iniinterview ako ni Mam Jo, pinagtatawanan ako nun sa loob loob nya kase para akong tungaw na ninenerbyos. Lumabas ako dun sa SmartLab na kinakabahan, and puro tanong mula sa mga kaibigan ko. Syempre, nag-rant ako ng madameng madame. Pero hindi rin nagtagal nagkayayaan na samen, kase fiesta. :D

Noong bumalik ako sa SmartLab, hindi ko tanda kung anong date, kase punong puno ako ng kaba nuon, na baka ilagay ako ni Mam Jo sa MexE or hindi ako tanggapin. Iniisip ko na nga nuon ang pagshishift kapag hindi ako nakapasok sa ICE. Pero lahat ng kaba ko, nawala noong nakita ko ang pangalan ko sa listahan ng section1 ng ICE. Kung pwede lang talagang buhatin nun si Mam Jo, eh gagawin ko sa sobra kong saya, pero hindi ko ginawa kase nga takot ako sa kanya.

Determinado ako nun na makatapos ng pag-aaral within 3yrs at magkaroon ng mapayapa at magandang samahan sa mga kaklase ko at seniors ko. Pero nagbago ang lahat noong natikman ko yung walang awa at di makatwirang pagbagsak sa ilan kong subjects. Ummm. Nabawi ko naman sila, kaya lang, yung katotohanang makakatapos ako sa March2014 eh naging malabo na. Dahil lang sa kapabayaan. Noong 3rd yr ako mag2nd sem, naiisip ko na ding mag-asawa, pero hindi naman nun mababago ang sitwasyon ko, tsaka mas gusto kong magtagal sa pag-aaral na wala akong anak, kesa maging batang ina. Alam ko kung ano yung mga dapat isakripisyo ng isang ina, and with my age, and maturity, hindi pa ako handa.

Last month, nakagraduate na yung mga kabatch ko noong highschool. Kabi-kabila yung post ng mga pictures nila. Samantalang ako, tinitingnan sila ng mga inggit ng konti, kase may diploma na sila, makakapagtrabaho na sila, magagawa na nila ang gusto nila. Tapos ako, mag-aaral pa rin, iisipin pa rin kung gagraduate ba ako sa taong 2014.

Napepressure na din ako sa tanong ng ibang tao kung kailan ako gagraduate. “Hindi naman ako nagmamadali, parang pag-aasawa yan, hindi minamadali”, yan na lang yung lagi kong sagot sa kanila. Pero yung totoo, hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Maiinis ba ako kase di pa ako nagraduate o matutuwa ako, kase di pa ako nagraduate.

Pero sabi nga, “Good things come to those who wait”.  Siguro nga, hindi pa talaga ako handa sa corporate world. Konti na lang naman eh. Konting konti na lang.


Posted 11 months agoreblog

May goal ako nun. Gusto kong pumayat. At hanggang ngayon goal ko pa rin.

Sayang tumigil ako sa nasimulan ko. Eh di sana, hindi ako nanghihinayang sa mga damit na hindi ko na maisuot at sa di ko talaga naisuot/maiisuot. Ang hirap ding umupo kase yung pantalon, puputok. Yung bilbil, babakat. Ay hindi basta bakat, talagang lilitaw.

Ano ba naman yan. Suddenly, lahat ng determinasyon ko nuon, naging katamaran hanggang ngayon. On the way na ako sa gusto ko, pero lahat ng napaghirapan ko mula noong simula, nawala. Ano ba ‘tong ginagawa ko sa buhay ko. Nakakadisappoint.

Isang araw determinado ako, tas lilipas ang mga araw, tatamarin na ako.  Pfft. Hindi ko na alam ang gagawin sa sarili ko. Ajujujujuju..


Posted 11 months agoreblog

4.27.13

Hey. It’s been a long time and alam mo naman ako, gumaganito ako pag sinisipag..

Di ba sabi ko, iipunin ko yung “unsaid thoughts” dito.. Actually madame yun, at kung tinupad ko yung sinabi kong iyon, sa tingin ko, wala ng “tayo”. Hindi ako sigurado sa magiging reaksyon mo pag nabasa mo ito, pero sana maintindihan mo na “hindi lahat ng bagay, aayon sa gusto naten”.

Hindi ko nga alam kung paano nadevelop sa sarili ko yung ugaling “maglihim”. And as time passes by, napagtanto ko lang na siguro, kaya ko nagawang “maglihim” ay dahil nasa “denial stage” ako. Hindi ko matanggap na may mali.. Hanggang dumating yung mga araw na palagi na tayong nag-aaway.

Sabi nila, normal lang daw yun. Healthy din daw yun sa isang relasyon. Napapangiti na lang ako, gusto ko sanang sabihin na, "hindi naman siguro normal/healthy yung maya’t maya na umaabot sa sigawan, at batuhan ng masasakit na salita".

And with that thought, hindi ko alam, pero parang biglang inamin ko sa sarili ko na, may mali. Hindi ito yung gusto ko. Sa pagsisigawan naten, sa pagbabatuhan ng mga masasakit na salita, nasasaktan ako kase nasasaktan kita. Pero lage akong umaasa na magiging ok din ang lahat. Na enough na yung nag-uusap tayo privately (kapag huminahon na tayo) tungkol sa mga issues naten, and huwag ng iparating sa iba kung anong meron sa ating dalawa. Kase nga di ba, sa isang relasyon, kapag madami ang nakakaalam, madaming nakikisawsaw, nagdadamusak.

Yung relasyon na pinapangarap ko dati, is now far from our relationship. But still, etong kwento naten ay mahal na mahal ko gaya ng pagmamahal ko sa’yo. Handa kitang ipaglaban, and yet, handa din kitang isuko kung kinakailangan.

Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka.


Posted 11 months agoreblog


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 OLDER »


© THEME BY MCSEEDY
THIS SITE IS BEST VIEWED ON GOOGLE CHROME WITH A SCREEN RESOLUTION OF 1280 X 800.